TANGGAPAN NG PNP-ACG PINALAKI; 1,500 TAUHAN KAKAILANGANIN

TANGGAPAN NG PNP-ACG PINALAKI; 1,500 TAUHAN KAKAILANGANIN

Ni Arwen Pascua

PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. (GMA Network photo courtesy)

MANILA — Bago at pinalawak pa ang headquarters ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame, Quezon City.

Bukod sa bagong tanggapan, nangangailangan din ng bagong tauhan ang PNP unit at target nila ang higit 1,500 personnel upang matugunan ang lumalawak na trabaho.

Ito ay sa harap ng dumaraming kaso ng online scam at iba pang krimen na ginagamitan ng teknolohiya at pagpapalakas ng kanilang operasyon.

Kahapon ng umaga, mismong si PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin ang nanguna sa pagpapasinaya sa limang palapag na headquarters ng PNP ACG.

Sinaksihan din ito ng mga law enforcer mula sa ibang bansa.

“Ito ‘yung mga counteparparts natin na they are really concerned with the cybercrime na nangyayari, transnational crimes specifically yung online crimes na ang karaniwan na biktima ay mga bata at karamihan ng biktima ay dito sa mga bayan natin na kung saan exploited masyado ang mga bata natin lalung-lalo na ‘yung mga medyo wala nang konti sa buhay,” ayon kay Azurin.

Ayon sa PNP Chief, target nilang magdagdag pa ng 1,500 tauhan ng ACG upang matugunan ang lumalawak nilang trabaho, kalahati nito ang planong i-recruit sa susunod na taon.

“We will be requiring ‘yung ACG natin, ‘yung ITMS (Information Technology Management Service) director ng DICTM to come up with a proposal on the qualification ng mga personnel na ire-recruit natin dito sa ACG ITMS kasi ang kailangan natin dito ay meron siyang kaalaman sa technology specifically IT. So importante yan, hindi na lang yung ordinary criminology graduate ang hahanapin natin,” ayon pa kay Azurin. (ai/mtvn)

Leave a Reply