Cash aid ng seniors ng ‘Munti’ ipinamahagi na

Cash aid ng seniors ng ‘Munti’ ipinamahagi na

Matiyagang pumila ang mga senior citizens upang makatanggap ng tulong pinansiyal sa South Mall, Muntinlupa City kaninang umaga. Umabot sa 500 seniors ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Social Pension Program ng lungsod kung saan bumisita rin si Mayor Ruffy Biazon at sinaksihan ang pamamahagi ng financial aid na ikinatuwa naman ng mga senior citizen.

Umuwi namang nakangiti ang halos lahat na mga senior matapos nilang matanggap ang tulong pinansiyal na P3,000 mula sa national at local government ng Muntinlupa City. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply