‘Higit pa sa overloading’

‘Higit pa sa overloading’

May tamang sukat lamang ang puwedeng ikarga ng mga delivery riders sa kanilang motorsiklo upang maiwasan ang aksidente sa daan at hindi rin maging sanhi ng aksidente sa iba pang motoristang naglalakbay.

Ngunit ang narito sa litratong ito na kuha ng roving cameraman ng Maharlika TV News ay tila higit pa sa “overloading” na matatawag sa kadahilanang halos hindi na makita ng rider ang kanyang motorsiklo maliban sa mga gulong sa dami ng kanyang kargada.

Bawal sana ito ngunit mistulang naging manhid na rin ang traffic enforcers at hindi man lang nila sitahin ang motoristang ito na bumabagtas sa kahabaan ng East Service Road sa Taguig City nitong Biyernes nang maaktuhan ng camera.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply