‘Nutribun’ muling nagbabalik: Sen. Imee nakibahagi sa pamamahagi kasama si Malabon Mayor Jeannie Sandoval

‘Nutribun’ muling nagbabalik: Sen. Imee nakibahagi sa pamamahagi kasama si Malabon Mayor Jeannie Sandoval

Mismong sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval (mula kaliwa), Senator
Imee Marcos at dating Congressman Ricky Sandoval ang nanguna sa pamamahagi ng “Nutribun” sa mga kabataan na nasa labas ng Malabon Sport Complex kung saan namahagi rin ang mambabatas ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may isanlibong residente.

Ang pamosong “Nutribun” ay unang ipinakilala sa Pilipinas ng USAID para labanan
ang malnutrisyon sa mga bata noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa ngayon, mas pinasarap ito at mas pinataas ang sustansyang pormulasyon at hindi isang pangkaraniwang tinapay lamang. Ito ay nagtataglay ng Vitamin A, Iron, at Iodine mula sa natural ingredients, at mayroong 500 kilocalories kada piraso.

(AJ RABULAN/ai/mtvn)

Leave a Reply