‘Collective responsibility’ ng iba’t ibang bansa ang pagtugon sa climate crisis — PBBM

‘Collective responsibility’ ng iba’t ibang bansa ang pagtugon sa climate crisis — PBBM

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati nitong Biyernes sa 40th at 41st ASEAN Summits na isang “collective responsibility” ng iba’t ibang bansa ang pagtugon sa climate crisis.

“Addressing climate change is our collective responsibility and developed countries should play a bigger role in global efforts to mitigate its risks, its effects, its damage and loss,” wika ni PBBM.

“Developing countries are more vulnerable, lose more when these climate shocks hit and have fewer resources to cope with the adverse effects of these shocks,” pagdidiin pa ni Pangulong Marcos sa kanyang intervention speech sa ASEAN Summits Retreat.

Ayon sa Pangulo, matutugunan ng ASEAN ang mga hamong ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mekanismo ng pagtutulungan nito sa environmental sustainability at holistic green economic strategies.

Binanggit ni Marcos ang pangangailangang pahusayin ang climate resilience sa pamamagitan ng “paggamit ng mga bagong teknolohiyang pang-agrikultura” para patatagin ang kooperasyon sa seguridad ng pagkain at self-sufficiency ng pagkain sa rehiyon.

“We need to shift our paradigm from the old, traditional farming methods to climate-smart agricultural systems, to better shield us against the ongoing adverse effects of climate change,” wika pa ni Marcos.

Dagdag pa niya, ang pangangalaga sa kapaligiran at pagtiyak ng katatagan at pag-angkop ng Pilipinas sa bagong normal ng pagbabago ng klima ay prayoridad kanyang administrasyon.

“The measures we seek to undertake hopefully will enable us to become smarter, more responsible, more sustainable in all that we do,” ayon kay Marcos.

(ai/mtvn)

Leave a Reply