Go: John Amores dapat bugbugin din

Go: John Amores dapat bugbugin din

By Liza Soriano

MANILA — Dapat ding bugbugin ang student athlete na si John Amores matapos niyang suntukin ang iba pang basketball players, ani Senador Christopher “Bong” Go.

Sa sesyon ng plenaryo ng Senado na tumagal hanggang madaling araw ng Biyernes, nagpahayag ng pagkadismaya si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa insidente at tinanong si Go kung ano ang mangyayari pagkatapos ng “kakila-kilabot” na kaganapan.

Sinuntok ni Jose Rizal University (JRU) Amores ang mga manlalaro mula sa St. Benilde sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 men’s basketball tournament noong Martes.

“Bilang isang basketball player at isang mamamayang Pilipino, ito po ang sagot ko: Dapat bugbugin din ‘yung John Amores na ‘yan. T* i na ‘yun,” sinabi ni Go, Senate committee on sports chairperson and budget sponsor ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Lahat tayo rito, mga basketball fans tayo. Walang lugar sa basketball ang court violence,” dagdag pa niya.

Bilang sports panel chairperson, sinabi ni Go na itinataguyod nila ang pagiging sportsmanship. (ai/mtvn)

Leave a Reply