Marcos nakiramay sa South Korea sa mga namatay sa Itaewon noong Halloween

Marcos nakiramay sa South Korea sa mga namatay sa Itaewon noong Halloween

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pakikiramay kay South Korean President Yoon Suk-yeol at sa mga mamamayan ng South Korea sa nangyaring trahedya sa Itaewon noong Halloween partikular na noong October 29, 2022.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang interbensyon speech sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)- Republic of Korea Summits sa Cambodia.

“President Yoon, before I start, on behalf of the Filipino people, allow me to extend my condolences to you and all the people of South Korea for the shocking tragedy in Itaewon,” ayon kay Marcos.

Ayon sa mga news reports, aabot diumano sa mahigit 150 katao ang namatay noong Oktubre 29 dahil sa crowd crush noong gabing yaon ng Halloween sa Itaewon, South Korea.

Sa kanyang interbensyon speech, nagpahayag din ng pasasalamat ang Pangulo sa Republika ng Korea sa pagiging tahanan ng halos 50,000 Pilipino workers.

“I cannot end my talk without thanking the Republic of Korea,” ayon sa Pangulo.

Sa ikalawang araw ng summit, ang mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nagsasagawa ng mga diyalogo sa China, Republic of Korea, at United Nations.

Magtatapos ang 40th at 41st ASEAN Summits nitong Linggo, 13 Nov. 2022.

-30-

Leave a Reply