Brunei, tuloy ang suporta sa Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan

Brunei, tuloy ang suporta sa Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Ipinangako ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei noong Sabado ang kanyang patuloy na pagsuporta sa pagsisikap ng Pilipinas sa pagtiyak ng kapayapaan at katatagan.

“We will continue to support your government’s efforts in ensuring peace and stability through various initiatives in the southern Philippines including our participation in the unification and modification assistance,” wika ni Bolkiah kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang bilateral meeting.

Kinilala ni Marcos ang papel na ginampanan ng Brunei Sultanate sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao, na aniya ay nagpapatuloy sa kabila ng mga hadlang na dulot ng pandemya ng coronavirus.

Ang Brunei ay bahagi ng International Monitoring Team at ang independent decommissioning body sa prosesong pangkapayapaan sa katimugang Pilipinas.

“I’m happy to be able to inform, Your Majesty, that the peace process is proceeding along. Although we have extended the Transition Authority for another three years simply because they were unable to do their job during the pandemic,” sambit naman ng Pangulo.

“This process — the negotiations between the Bangsamoro and our Muslim brothers and sisters began in 1976 — I believe, is the fruition of that. And we are very happy,” giit pa niya.

Ipinaalam ng Pangulo sa sultan na magkakaroon ng parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.

Dagdag niya, inaasahan niyang magkaroon ng gumaganang autonomous na pamahalaan sa timog, bunga ng maraming taon ng pagsusumikap.

Bilang tugon, pinuri ni Sultan Bolkiah si Pangulong Marcos sa kanyang walang sawang pagsisikap para sa pagkakamit ng kapayapaan at kaunlaran sa BARMM. (I. Amigo/mtvn)

Leave a Reply