It’s all in the family: ‘Pati si lola nagpa-tattoo na rin’

It’s all in the family: ‘Pati si lola nagpa-tattoo na rin’

Todo suporta na pinanonood ng mga anak at apo ang isang ginang na tinitiis ang sakit habang nagpapa-tattoo kaninang tanghali (November 13,2022). Ang ginang ay naengganyong magpa-tattoo dahil ang kanyang mga anak ay pawang mga tattoo fanatics. Mayroon umano silang self-fulfillment na nararamdaman matapos ma-overcome ang sakit nito.

Hindi gaya dati na pawang mga preso lamang ang mayroon nito, ang tattoo ngayon ay itinuturing nang isang art lalo na sa mga enthusiasts at tanggap na rin ng lipunan.

Isa sa mga kilalang tattoo artist sa bansa na dinadayo pa ng mga dayuhan ay si Whang-od Onggay o mas kilala sa tawag na Maria Oggay ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Siya ang maituturing na pinakamatandang mambabatok (tattoo artist) na kabilang ng Butbut Kalinga Ethnic Group. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply