2 huwad na traffic personnel ng MTPB tiklo

2 huwad na traffic personnel ng MTPB tiklo

Positibong kinilala ni Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) Chief of Operation Wilson Chan sa harap ni Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) Chief P/Major Edward Samonte ang naarestong peke o huwad na mga empleyado ng MTPB na sina Jeromie Millel at Rocky Macarian.

Sila’y agad na pinatawan ng kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority of Official Function) at (Illegal Use of Uniform and Insignia) matapos na mahuli at maaktuhang nag-mamando ng trapiko at naninita ng mga truck at delivery van at kinokotongan nila ang drivers sa may area ng Pandacan.

Dahil alisto ang mga tauhan ng SMaRT at MTPB Special Operation Group, agad namang naaresto ang mga mapagkunwaring alagad ng batas trapiko. (KIARA LAUREN IBANEZ/ai/mtvn)

Leave a Reply