Advance shooting simulator tampok sa 117th BuCor Founding Anniversary

Advance shooting simulator tampok sa 117th BuCor Founding Anniversary

Sinubukang gamitin ni Mayor Ruffy Biazon at ni DOJ Usec Deo L. Marco ang firearms portable shooting training simulator kaninang umaga sa Bureau of Corrections (Bucor) habang nakamasid si Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Ang firearms shooting simulator ay magagamit sa mga pagsasanay na hindi na kinakailangan ng malaking espasyo. Sa pamamagitan lamang ng nakakabit na monitor sa armas ay parang nasa firing range ka na rin.

Ipinakita ito kaninang umaga sa ika-117th BuCor Founding Anniversary na ang tema ay, “Restoration of Ethics, Fairness, Orderliness, Righteousness, and Morale Towards a Godly and Compassionate Correction Service.”

(Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply