Marcos ‘di pa sigurado kung dadalo sa WEF

Marcos ‘di pa sigurado kung dadalo sa WEF

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Hindi pa rin tiyak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung dadalo siya sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero 16-20, 2023.

Ipinaabot ni WEF Founder at Executive Chairman Klaus Schwab ang imbitasyon kay Marcos habang nasa Cambodia and Pangulo noong Sabado para sa 40th and 41st ASEAN Summits.

Sinabi ni Marcos na pinag-iisipan pa niya kung maa-accommodate ito ng kanyang schedule.

“So I am undecided yet. It’s traveling too much. That’s already the end of January. I’m going to China on the third,” ani Marcos.

“Parang, like my mom says, ‘Kailan ka nag-oopisina?’ Which is — may dahilan din. So I haven’t decided. We’ll see,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Schwab kay Marcos na ang pagdalo sa WEF ay isang magandang pagkakataon upang maisulong ang Pilipinas sa pandaigdigang komunidad ng negosyo at makaakit ng mga mamumuhunan.

Ngunit sinabi ni Marcos na tinatantiya pa niya kung handa na ang bansa para dito.

“So papunta ko doon sa Davos tapos sasabihin mo pero hindi, huwag muna ngayon, next year pa. ‘Di ba? Ba’t pa natin gagawin? So ‘yun ang — that’s really the determining factor,” ayon sa Pangulo.

(ai/mtvn)

Leave a Reply