Sandamukal na cellphones nakumpiska sa ‘Munti’

Sandamukal na cellphones nakumpiska sa ‘Munti’

Guwardiyado ng mga jail guard ang mga inilatag na cellphone sa mahabang mesa kanina sa Administrative Building ng Bucor.

Ang sandamukal na mga cellphone ay nakuha sa loob ng piitan kamakailan nang maglunsad ng ‘Operation Grayhound’ ang Acting BuCor Director na si General Gregorio Pio P. Catapang Jr.

Bukod pa sa mga nadiskubre ng General ay mga hukay at tunnel sa loob ng piiitan na ngayon ay kanyang pinaiimbestigahan.

Pinalitan ni Gen. Gregorio Pio P. Catapang si dating Director Gen. Bantag na nasasangkot sa pamamaslang sa radio commentator na Percy Lapid.

(Photo by Peter Lacang/IA/MTVN)

Leave a Reply