2 palapag na bahay sa Ermita natupok ng apoy

2 palapag na bahay sa Ermita natupok ng apoy

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Isang residential area sa Ermita, Maynila ang natupok ng apoy ngayong umaga ng Martes (15 Nov 2022), partikular na ang dalawang palapag na bahay sa Teresa Street, Barangay 661.

Ayon sa mga bumberong rumesponde, nagsimula ang sunod dakong alas-10:09 ng umaga.

Inabot ng ikatlong alarma ang sunog at dineklarang fire out ng alas-10:57 ng umaga.

Ang nasabing bahay ay katabi lamang ng Adamson University kaya’t ang mga estudyante at faculty dito ay pansamantalang naglabasan dahil sa makapal na usok.

Hindi naman nadamay pa ang kalapit na bahay maging ang nabanggit na universidad.

Inaaalam pa ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Nagdeklara naman ng suspensyon ng klase ang Adamson University para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. (ai/mtvn)

Leave a Reply