Damang-dama na ang Pasko sa Muntinlupa

Damang-dama na ang Pasko sa Muntinlupa

Damang-dama na ang Pasko sa Muntinlupa City Hall matapos ang dalawang taon na ipagkait ito dahil sa pandemya ng coronavirus (Covid-19.

Kakaiba ngayon dahil ramdam mo na dahil sa napakalaking Christmas Tree candies na inilagay sa tapat ng gusali ng City Hall at ang mala-higanteng pigura ni Saint Nicholas o mas kilala sa tawag na Santa Claus sa lobby ng pamahalaang lungsod.

Si Saint Nicholas ay mula sa Patara (Turkey) at hinangaan sa pagiging mabuti at generous nito. Kaya sa tuwing sasapit ang pasko ay makikita na ito sa mga pasilyo o tarangkahan ng bahay o gusali bilang paggunita na nalalapit na naman ang Pasko tulad rito sa lungsod ng Muntinlupa.

Nakapalibot rin sa mga gusali ng munisipyo ang LED Christmas lights na papasinayaan sa darating na Biyernes (18 Nov 2022).

(Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply