Kung saan bawal, doon nagsasakay at nagbababa

Kung saan bawal, doon nagsasakay at nagbababa

Palaisipan ang tagpong ito sa isang lugar sa may Zapote Road, Barangay Alabang, Muntinlupa City dahil ang dapat sanang babaan at sakayan ng mga pasahero ay siya namang walang mga sumasakay at bumababang mga pasahero.

Ito ang hindi maintindihan ng photojournalist ng Maharlika TV na may kuha ng larawan na baka ang may pagkakamali ay yaong mga naglagay ng mga “No Loading and Unloading Zone” signages sa gilid ng daan.

Pero saganang atin, ang pagkakabit ng mga traffic signs ay pinag-aaralan muna bago ilagay o ikabit sa mga daan tulad ng signage na ito sa Zapote Road.

Kung kaya’t bumabalik tayo sa tanong: Sino kaya ang mali? Baka naman ang pasahero dahil doon sila pumapara para sumakay at bumaba sa dapat sana ay bawal na lugar.

(Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply