Matapos ang sunog, mangangalakal naman ang lumusob

Matapos ang sunog, mangangalakal naman ang lumusob

Matapos ang sunog, para namang mga kabuteng nagsulputan at nagkanya-kanyang hanap ng mga kalakal na pwedeng maibenta at maging pera ang mga
residenteng naapektuhan ng sunog kamakalawa sa Barangay Navotas West at Bagumbayan North, Navotas City.

Ayon sa mga opisyal ng Barangay, 174 na pamilya mula sa Brgy. Bagumbayan North ang naapektuhan at 377 naman sa Brgy. Navotas West ang nawalan na tirahan na ngayon ay pansamantalang nasa Evacuation Center sa Navotas Centennial Park.

Agad namang namahagi ng financial assistance, pagkain, hygene kits at
iba pang pangangailangan ng mga biktima ang pamahalaang lungsod ng Navotas.

(AJ RABULAN/ai/mtvn)

Leave a Reply