MEDIA SINANAY NG PNP SA BASIC GUN HANDLING

MEDIA SINANAY NG PNP SA BASIC GUN HANDLING

By Arwen Pascua

MANILA — Umabot sa 50 na media practioners mula sa iba’t ibang news and media companies ang sumailalim ng Basic Gun Handling Seminar/Training sa Philippine National Police nitong Martes (Nobyembre 15) .

Ang Basic firing training ay isinagawa sa Camp Karingal Firing Range sa Quezon City at mismong si PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang nanguna sa pagbubukas ng seminar/training.

Ang nangasiwa sa pagsasanay ay si Police Major Eric Alino, Chief Training and Range Manager, sa Camp Karingal, kung saan unang itinuro ang bahagi ng isang baril at tamang unloading at charging.

Ang pagsasailalim sa Basic Gun Handling ay upang magkaroon ng kaalaman ang media sa tamang gamit ng depensa lalo na’t krusyal din ang propesyon.

“Ito ay bilang paghahanda ng lahat po ng lahat ng mga shooters na media para magkaroon ng ganitong refresher training para nang sa ganun ay authorized naman humawak ng baril ang ating mga kasamahan sa media so at least kahit papaano they can also defend themselves in case mayroon mga threats sa kanilang buhay,” ayon kay Azurin.

Pinayuhan naman ni Azurin ang mga old time gun shooters na laging balikan ang basic at safety tips o sumailalim sa refresher’s course upang hindi makalimutan ang tamang gamit ng baril.

“Laging babalikan natin yung back to basics like yung gun safety procedures and then proper handling ng baril outside of the firing range and while in the firing range and kailangan malaman din natin ‘yung laging basic na pinapa-remind sa atin na you do not point your gun para hindi ho mangyari o maiwasan yung natin yung mga nangyayari sa iba nating mga kasamahan na media,” payo ni Azurin.

(ai/mtvn)

Leave a Reply