Residential area sa Ermita, Manila nasunog, 1 patay

Residential area sa Ermita, Manila nasunog, 1 patay

Patay ang isang 70 anyos na babae at naabo ang ilang bahay sa isang residential area matapos na sumiklab ang malaking sunog umaga ng Martes sa Ermita, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas 10:03 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa may Teresa Street, Ermita, Manila.

Umabot sa ikatlong alarma at idineklarang Fire Under Control lamang ang sunog dakong alas-10:44 na ng umaga.

Hindi naman nakuha agad ng arson probers ang pangalan ng babaeng biktima na inilabas ng bahay matapos ang clearing operation nang ideklarang fire out na mga alas-10:54 ng umaga.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division kung ano ang naging sanhi ng sunog.

(KIARA LAUREN IBANEZ/ai/mtvn)

Leave a Reply