AUV na nawalan ng preno sa underpass ng EDSA-Cubao nagdulot ng matinding trapiko

AUV na nawalan ng preno sa underpass ng EDSA-Cubao nagdulot ng matinding trapiko

Himalang walang nasaktan sa mga sakay ng Mitsubishi AUV (Asian Utility Vehicle) na ito nang mawalan ito ng preno at inirampa na lamang ng driver ang manibela sa center island ng Edsa, Cubao (Quezon City) underpass kaninang umaga (Oct.16, 2022).

Matinding trapiko ang idinulot nito sa south bound lane lalo na’t nasa peak hour nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa kawani ng Metro Manila Developmenty Authority (MMDA) na si Charlotte V. Gomer, na unang rumesponde sa aksidente, nawalan ng preno ang AUV kaya minabuting kabigin na lamang ng driver papunta sa center island ang sasakyan upang hindi na ito makadisgrasya pa ng ibang sasakyan na maaaring maging sanhi ng karambola at magdulot pa ng mas malalang pinsala.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply