Higanteng X’mas tree ng Maynila pinailawan na

Higanteng X’mas tree ng Maynila pinailawan na

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Pinangunahin ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang pagpapailaw sa higanteng Christmas tree ng lungsod nitong gabi ng Martes (Oct.15, 2022) bilang hudyat sa papalapit na Kapaskuhan.

Sa kanyang talumpati, binanggit ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila na kasabay sa pagsindi ng higanteng Christmas tree ay ang pagpapailaw din ng mga parol sa major thoroughfares ng Maynila gaya ng Taft Avenue, Quezon Avenue, Padre Burgos at marami pang iba.

Sa mga establisimiento naman ng gobyerno gaya ng National Museum,Rizal Park, Manila Central, Post Office at Tutuban Center, ay nakisabay din ng pagpailaw upang magningning ang lungsod bilang hudyat ng nalalapit na paggunita sa kapanganakan ni Kristo Hesus.

Binanggit din ng punong lungsod na simula sa pagpasok ng Disyembre ay sisimulan na aniya ang pamimigay ng handog ng Maynila sa mga Manileno.

“At siyempre, simula pa lamang ng December 1, sisimulan na natin ang pamimigay ng Christmas boxes sa mga tahanan upang tiyak na may pagsasaluhan ang bawat mag-anak sa araw ng Pasko,” wika pa ni Mayor Lacuna.
(IAmigo/MTVN)

Leave a Reply