Marcos nagdagdag ng holiday para sa 2023

Marcos nagdagdag ng holiday para sa 2023

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Naglabas ng proklamasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagdedeklara ng mga karagdagang holiday at pagsasaayos ng iba pang araw na walang pasok para sa 2023.

Ang pag-amyenda sa Proclamation No. 42, Proclamation No. 90 ay idineklara ang Enero 2, 2023 bilang isang espesyal na araw na walang pasok habang ang Abril 10 at Nobyembre 27, 2023 ay itinuturing na ngayong mga regular holidays.

Ayon kay Marcos kinailangan i-adjust ang ilang holiday para sa mas mahabang weekend para pasiglahin ang ekonomiya.

“There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country,” wika ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na nataon na Linggo ang New Year kung kaya’t idineklara niyang special non-working holiday ang Enero 2.

Gayundin ang Araw ng Kagitingan kaya ginawa ring holiday ang Abril 10.

“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, April 10, 2023, in lieu of Sunday, April 9, 2023 may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” paliwanag niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply