Mayor Tiangco bumisita sa lugar na pinangyarihan ng sunog, isa-isang kinumusta ang may 400 na pamilyang naapektuhan

Mayor Tiangco bumisita sa lugar na pinangyarihan ng sunog, isa-isang kinumusta ang may 400 na pamilyang naapektuhan

NAG-IKOT sa lugar na pinangyarihan ng sunog sa Barangay Navotas West at Bagumbayan North, Navotas City si Mayor John Rey Tiangco nitong Miyerkules (16 Nov 2022) upang tingnan ang pinsala at makausap ang mga biktima ng sunog ng personal.

Nagbigay din ang lungsod ng tulong pinansyal, pagkain, hygene kits at iba pang pangangailangan sa mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa Evacuation Center sa Navotas Centennial Park.

Isa-isa ring pinuntahan at kinamusta ng alkalde kasama si Cong. Toby Tiangco ang 1,700 na mga indibidwal o mahigit 400 na mga pamilyang nasunugan.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply