NAVOTAS FIRE: Bilang ng pamilya na nawalan ng tirahan umabot sa 516; 5 patay

NAVOTAS FIRE: Bilang ng pamilya na nawalan ng tirahan umabot sa 516; 5 patay

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Teribleng pangyayari gayong papalapit pa naman ang Kapaskuhan.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog na naganap kagabi (Martes, 15 Nov 2022) sa Cardoniga Street, Barangay Bagumbayan North at Monroy Street, Navotas West, Navotas City.

Ayon sa Navotas City Disaster Risk Reduction Managemant Office (CDRRMO), umabot sa 516 ang pamilyang nawalan
ng tahanan, 184 dito ay mula sa Brgy. Bagumbayan North at nasa 332 naman ang mula sa Navotas West.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nasawing biktima na sina Ma. Theresa (41), at ang kanyang
dalawang taong gulang na anak; Asuncion Tongko Gonzales (65), at ang kanyang apo na si Diorella Gonzales at isang
nagngangalang Darlyn Baluyot (18).

Natagpuan ang mga labi ng mga biktima sa kani- kanilang kwarto at sa banyo ng kanilang mga tahanan, ayon sa tagapagsalita ng CDRRMO.

Nasa maayos naman na kalagayan ang dalawang nasaktan na sina Carlos Olidan, 51 taong gulang; at isang Josepina Sarate, 34 taong gulang.

Ayon naman sa BFP, umabot sa Task Force Alpha ang naturang sunog na nagsimula sa isang residential kung saan pati na ang ilang residente ay tumlong sa pag-apula ng apoy gamit ang bangka at timba.

Makikita sa mga larawan ang tindi ng apoy mula sa sunog na wala nang magawa ang ilang residente kundi panoorin na lamang ito kasabay ng pag-iyak sa panghihinayang sa kanilang tahanan na tinutupok ng napakalaking apoy. Ang iba naman ay gumamit ng bangka maisalba lamang ang ibang gamit palayo sa naglalagablab na apoy.

Idineklarang fire out ng BFP ang sunog dakong alas-8:30 na ng gabi.

(ai/mtvn)

Leave a Reply