Kapulisan ng PC-10 mabilis na rumesponde sa naaksidenteng nakamotorsiklo

Kapulisan ng PC-10 mabilis na rumesponde sa naaksidenteng nakamotorsiklo

Mabilis ang pagresponde ng mga pulis ng Police Station 10 sa isang rider na nakahandusay sa kalye matapos itong maaksidente sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Edsa Kamuning sa Quezon City.

Upang masigurong ligtas ang rider sa mga sasakyang dumadaan ay minabuti ng mga nagrespondeng mga pulis na lagyan ng plastic cone barrier ang paligid.

Ilang minuto ring naantala bago naisugod sa malapit na ospital ang rider at sa kabutihang-palad ay ligtas naman ito sa mga tinamong sugat na dulot ng aksidente. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply