5-year-old jiu-jitsu champ na batang babae ng Pinas dumalaw kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon

5-year-old jiu-jitsu champ na batang babae ng Pinas dumalaw kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon

Na-starstruck ang mga kawani ng City hall ng Muntinlupa at maging si Mayor Ruffy Biazon nang dumalaw at makita ang five-year-old na si Aleia Aielle Aguilar, anak na babae ni Alvin Aguilar.

Si Aleia ay ang kauna-unahan at pinakabatang world champion ng Brazilian jiu-jitsu ng bansa nang matalo nito ang kanyang katunggaling si Gabriela Vercosa sa Abu
Dhabi World Jiu-Jitsu Championships, Jiu-jitsu Arena, Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Matapos ang pagkapanalo ay nag-viral ang video ng mga laban ng bata dahil sa ipinamalas na tapang, disiplina at husay sa pakikipagtunggali sa martial arts sa kapwa bata .

Proud din ang buong lungsod sa tagumpay at karangalang naiuwi ni Aleia dahil tubong Muntinlupa ang mga magulang nito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply