K9 dogs ipapakalat ni BuCor acting director Pio Catapang sa NBP

K9 dogs ipapakalat ni BuCor acting director Pio Catapang sa NBP

Makikita sa larawan ang mga K9 dogs na ipapakalat sa New Bilibid Prison ni Bucor Acting Director General Gregorio Pio Catapang na ipinakita sa media. Ayon
sa heneral, hindi marunong magsinungaling ang aso kapag naamoy n’ya
uupo ito indikasyon na may kontrabando baril, bomba o iligal na droga.

Inihayag din ni General Catapang na uunahin n’ya ang pagreporma at
panuntunan sa loob at labas ng Bucor na nasasangkot sa kontrobersya ng
pagkasawi ng isang mediamen na si Percy Lapid.

Si General Catapang ang pumalit ngayon bilang acting Director kay
General Bantag na dating Bucor Director na iniuugnay sa pagkasawi ng
mamamahayag. Peter Lacang/BC

Leave a Reply