P193M proposed budget ng senior citizens naisumite na

P193M proposed budget ng senior citizens naisumite na

Ni Benjamin Cuaresma

Photo sourced from PNA

MANILA — Naisumite na nitong Biyernes sa
Senado ang halagang P193 Milyon proposed budget ng National Commission on Senior Citizens ( NCSC ) ni Sen.Imee Marcos na siyang sponsor nito.

Sa nasabing usapin ay labis naman itong ikinabahala ni Sen. Koko Pimentel dahil ito ay may kahalintulad sa sistema ng pamamahagi ng mga ayuda sa mga Senior
Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mahigpit namang itong itinanggi ni Sen. Imee Marcos at katunayan, aniya, ito ay aprubado na ng Department of Budget
ang Management (DBM).

“The distribution is quite complex as well. As in many cases, they have to be delivered house to house,” wika ni Sen. Marcos.

“Hindi madali ang pag-abot ng mga ayuda sa mga seniors natin,” dagdag pa ng
Senadora.

(ai/mtvn)

Leave a Reply