‘Mala-palos’ na drug suspect huli pa rin sa mga alagad ng batas

‘Mala-palos’ na drug suspect huli pa rin sa mga alagad ng batas

Natuyo na ang mga dugo sa kamay ng suspect na si Michael Balayot matapos na tumalon ito upang tumakas mula sa isang palapag at makipagtaguan sa mga pulis sa isinagawang drug buy-bust operation kaninang umaga (Sabado, 19 Nov 2022) sa Lot 3, Block 11, La Trinidad Village Barangay, Talipapa, Quezon City.

Hindi naman umubra sa mga pulis ang pagtatago nito at naaresto rin kasama ang kanyang nobya. Ayon sa mga pulis mahirap ang ginawa nila maaresto lamang ang suspek dahil sa malapalos na ginawa nito.

Nakuha sa mga suspect ang hinihinalang shabu at marijuana at nahaharap na ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa ipinagbabawal na gamot.

Nakilala ng kaulisan ang mga suspek na sina Michael Baluyot (24) ng #23 Diamond St., Brgy., Tandang Sora, Quezon City, at Sofia Dalde del Rosario (19), ng #12 David St., Corner Job St., Brgy., Bagbag, Quezon City.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply