Lizada nagbabala sa ‘No Gift Policy’ ng gobyerno ngayong Kapaskuhan

Lizada nagbabala sa ‘No Gift Policy’ ng gobyerno ngayong Kapaskuhan

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Mahigpit na pinaalalahanan ang lahat ng mga ahensya at manggagawa sa gobyerno na bawal o mariing ipinatutupad ang “No Gift Policy” ngayong panahon ng Kapaskuhan kung kaya’t nararapat sundin.

Ito’y babala na galing mismo sa Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga sangay ng ahensya ng administrasyong Marcos upang sundin at ipatupad ang naturang polisiya ngayon “Season of Hope & Giving.”

Ayon pa sa CSC, ang “No Gift Policy” ay isang batas na dapat sundin ng mga
manggagawang naka-plantilla sa gobyerno, mapa-opisyal man ito o ordinaryong empleyado.

Nagbabala rin si CSC Commissioner Aileen Lizada na ang pagtanggap ng anumang bagay mula sa isang kliyente kapalit ng serbisyo ng isang empleyado o opisyal ng ahensya ng gobyerno ay maihahalintulad na isang korapsyon.

Nakasaad umano ang naturang polisiya sa Republic Act 6713 at 3019 kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal o empleyado ng gobyerno ang paghingi ng mga pabor kagaya ng mga regalo o anumang bagay na may kaugnayan
sa mga transaksyon.

Pinaalalahanan pa ni CSC Commissioner Lizada ang mga Departments Heads na
maging ehemplo sa kanilang empleyado na iwasan ang pagso-solicit at kung meron mang nagpapadala ng mga regalo ay i-advice na bawal at mahigpit na ipinatutupad ang “No Gift Policy.”

“Gusto niyo bang makulong? Bilang mga empleyado ng gobyerno, pagsisilbihan natin ang publiko ng walang kapalit,” dugtong pa ni Commissioner Lizada.

(El Amigo/mtvn)

Leave a Reply