Eagles Club members nagsanay sa tamang paghawak ng baril

Eagles Club members nagsanay sa tamang paghawak ng baril

Nagsanay ang 70 na miyembro ng Eagles Club sa Central Luzon Region XXXVII-Supreme Knights sa paghawak ng baril sa ginanap na Fun Shooting Event “Basic Gun Handling Seminar and Familiarization” kamakalawa sa Caloocan City firing range.

Layon ng pagsasanay ay matutunan ng mga miyembro ang tamang paghawak ng baril bago magkaroon nito.

“In the course of the occasion, all the participants was employed first in a one hour seminar before handling a gun in order for them to learn how to become an accurate shooter with safety precautions,” ayon sa kanilang tagapagsalita.

Naging pangunahing bisitang pandangal si PNP PMaj. Gene Serrano at PCol. Alfredo B. Opriasa na siyang adviser ng event.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply