Pondo para sa ‘Libreng Sakay’ program ng DOTr kabilang sa 2023 proposed budget — Angara

Pondo para sa ‘Libreng Sakay’ program ng DOTr kabilang sa 2023 proposed budget — Angara

By Liza Soriano

MANILA — Sinabi ni Senador Sonny Angara nitong Linggo na ang “Libreng Sakay” program ng Department of Transportation (DOTr) ay maaaring palawigin hanggang sa susunod na taon.

Aniya, kasama sa panukalang 2023 budget ang pondo para sa programang ito.

Tinanong ang mambabatas kung ano ang komento niya hinggil sa mga apela na ipagpatuloy ang serbisyo ng Libreng Sakay ng gobyerno sa 2023 at ito ang kanyang tugon:

“Alam ko tuloy ho ‘yun. Nasa budget ho ‘yung para sa Libreng Sakay. Dinagdagan din po nila… Ang head ho niyan sina Senator Grace Poe,” ani Angara.

“Talagang nakatutok siya diyan sa ayuda, sa mga tsuper, sa mga operator ng PUV, tricycle, lahat ‘yan may mga tulong — ‘yung vouchers, fuel vouchers, ‘yung Libreng Sakay. ‘Yan ang ilang programa na talagang natutulungan ay pangkaraniwang mamamayan,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply