Secondary students ng Muntinlupa nag-seminar sa road safety

Secondary students ng Muntinlupa nag-seminar sa road safety

Masayang nagpakuha ng larawan ang mga estudyanteng ito ng Muntinlupa Business High School Sucat Annex sa “2-Day Training-Workshop on Student Leaders’ Participation to Road Safety Awareness and Education” kaninang umaga sa Muntinlupa Sports Complex.

Ang training ay upang pukawin ang kamalayan ng mga kabataan sa mga batas trapikong ipinapatupad ng lungsod para sa kanilang kaligtasan at maging bahagi na makatulong rin ang mga ito.

Naisakatuparan ang programa sa inisyatibo at tulong ni Mayor Ruffy Biazon at ng School Division Office ng Muntinlupa kasama ang Youth Affairs and Sports Development Office at ng Muntinlupa Traffic Management Bureau.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply