Junkshops binalaan sa pamimili ng mga nakaw na kalakal

Junkshops binalaan sa pamimili ng mga nakaw na kalakal

Nagsagawa ng joint inspection ang Manila Police District at Highway Patrol Group sa pangunguna ni MPD Raxabago Station1 Commander PLTCol. Rosalino “Jhun” Ibay Jr. sa mga junkshop at iba pang mga mamimili ng mga kalakal.

Pinayuhan din ni Col. Ibay ang mga ito na huwag silang bibili ng mga kalakal na galing sa mga tinaguriang “jumper boys” at kailangan din nilang magbigay ng affidavit report at deed of sale kung sila ay bibili ng mga segunda manong kagamitan kagaya ng motor.

Kung sakali man, kailan muna itong dalhin sa MPD Station1 para mapatunayang hindi nakaw ang kanilang bibilhing motor. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply