National Children’s Month ginunita sa Muntinlupa

National Children’s Month ginunita sa Muntinlupa

Iginuhit ng mga batang ito ang kanilang saloobin sa ginanap na “Children’s Congress 2022 Through Munting Panata Conference” sa Muntinlupa Sports Complex ngayong Martes sa paggunita sa “National Children’s Month 2022″ na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata ating Tutukan.”

Ang layunin ng programa ay upang himukin ang mga bata na sabihin ang kanilang nakikita at saloobin at kamalayan sa kanilang paligid o komunidad.

Ayon sa Secretariat ng Muntinlupa Council for the Protection of Children (SMCPC), ang mga bata ay may nakikita rin sa kanilang pananaw na solusyon.

“Ini-encourage na i-voice out nila, na magkaroon ng boses sila bilang bata para mapakinggan natin, magkaroon sila ng boses at magparticipate,” ayon sa isang opisyal ng SMCPC.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply