Marcos, hinimok ang mga Pinoy scientist na manatili sa bansa

Marcos, hinimok ang mga Pinoy scientist na manatili sa bansa

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipinong scientist na manatili sa bansa.

Kasabay nito, nangako rin ang Pangulo na susuportahan niya ang mga ito.

“I encourage our Filipino scientists, researchers, inventors, and innovators to continue sharing your expertise especially to young people, although they are sharing their technology to us,” sinabi ni Marcos sa National Science and Technology Week opening sa Pasay City.

“I urge you to stay in the country as you pursue your career. We will continue to support you and continue to look to you to be active partners of the government,” dagdag pa niya.

Hinimok din ni Marcos ang mga ito na ilaan ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtulong sa kapwa Pilipino.

“Basta’t maganda ang suporta sa ating mga scientist, mga researcher, mga teacher… world-class talaga ang Pilipino. Kaya we should not allow this opportunity to pass us by,” ayon pa kay Marcos.

“It is a new world, these are new problems we are facing, and therefore we need to find new solutions and innovation is the key, innovation and agility,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply