Marcos iniimbitahan sa White House

Marcos iniimbitahan sa White House

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Posibleng makipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Pangulong Joe Biden ng United States sa White House sa susunod na taon.

Ito’y ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Miyerkules.

Ayon sa envoy, siya ay “confident” na mangyayari ang courtesy call ni Marcos kay Biden sa susunod na taon 2023, ngunit hindi pa binanggit kung ano ang petsa.

“The White House has told us that [they] would like very much President Marcos to come. But as always, the schedule of both leaders is very important,” ani Romualdez.

“But definitely, the White House, President Biden himself, would like to have a good meeting with the President at the White House at some point in time,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Romualdez na hindi pa matukoy ang schedule ng pagpupulong ng dalawang lider.

Inihayag niya ang plano kasunod ng tatlong araw na pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas.

Nagbigay ng hiwalay na courtesy calls si Harris kay Marcos at sa kanyang counterpart sa Pilipinas na si Vice President Sara Duterte-Carpio.

(ai/mtvn)

Leave a Reply