National Road enforcers ng Muntinlupa walang magawa sa mga pasaway na ‘padyak’ boys

National Road enforcers ng Muntinlupa walang magawa sa mga pasaway na ‘padyak’ boys

Wala nang madaanan pa ang mga pedestrian sa sidewalk na ito sa National Road, Barangay Bayanan, Muntinlupa City dahil sa mga nakaharang tulad ng mga sidecar na ito kaninang umaga kung saan pa naman nagmamadali ang lahat ng mga kawani makapasok sa kani-kanilang trabaho.

Mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod ang harangan ang mga sidewalk at kung sino man ang mahuli ay may karampatang multa lalo na higit sa National Road ng Muntinlupa.

Ngunit ang tanong: Nasaan ba ang mga enforcers? At dahil wala sila, lusot-lusotan sa pagkakahuli at multa ang matitigas ang ulo na mga driver ng mga sidecar na ito.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply