Pagbabago ng leadership sa DOF ‘fake news’ — PBBM

Pagbabago ng leadership sa DOF ‘fake news’ — PBBM

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Tinawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na “fake news” ang mga haka-haka ng pagbabago ng pamunuan sa Department of Finance (DOF).

Sinabi ng Pangulo na hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga ulat tungkol sa pag-alis ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa kanyang puwesto at pinalitan umano ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

“Fake news. I don’t know where it comes from. Why would I do that? We’ve assembled a great team,” sinabi ni Marcos sa 49th Founding Anniversary of the Career Executive Service Board (CESB) sa Pasay City.

“At saka, we’re trying to go down a certain direction. It’s a very, very poor time to change horses in midstream,” aniya pa ng Pangulo.

Si Salceda, na namumuno sa House Ways and Means Committee, ay itinanggi din ang mga usapin na siya ang magtetake-over sa finance portfolio.

“The President ultimately makes the decisions on appointments. The Cabinet, after all, is his official family. He has a SOF already. Until he says otherwise, any talk of any appointment is pointless speculation,” naunang pahayag ni Salceda.

(ai/mtvn)

Leave a Reply