107 NAVOTAAS trainees tumanggap na ng training allowance mula TESDA

107 NAVOTAAS trainees tumanggap na ng training allowance mula TESDA

Umabot sa 107 na trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute ang nakatanggap na ng kanilang training allowance mula sa Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) nitong Huwebes.

Kabilang dito ang mga trainees ng Dressmaking sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP), at mga trainees ng Bread and Pastry Production sa ilalim ng Tulong Trabaho Scholarship Program (TTSP).

Maliban sa training allowance, tumanggap din ng uniform at new normal allowance ang mga trainees ng Barista at Food and Beverage Service.

(AJ Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply