Mga paslit ng Muntinlupa nakatanggap ng maagang pamasko

Mga paslit ng Muntinlupa nakatanggap ng maagang pamasko

May kalayuan pa ang Pasko ngunit sinimulan na nina Mayor Ruffy Biazon at ng kanyang maybahay na si Mrs. Trina Biazon ang pagbibigay ng mga munting regalo sa 100 na mga batang mag-aaral mula sa Day Care centers ng Barangay Putatan sa lungsod ng Muntinlupa kahapon (Miyerkules) ng hapon. Magpapatuloy diumano ito hanggang sa pagsapit ng Kapaskuhan.

Hindi lamang mga regalo ang natanggap ng mga bata kundi nakapanood din sila ng pagtatanggal ng “Bird and Reptile Show” kortesiya ng mag-asawang Biazon. Isa itong educational show na may partisipasyon ang mga bata patungkol sa mga ibon at reptiles na maaaring hawakan habang nagtatanghal.

Ang mga Biazon ay malapit sa mga bata kaya sinusuportahan nila ang Early Childhood Education Division program katuwang ang Gender and Development Office.

Natapos ang programa sa pagpapa-ilaw naman ng Christmas Tree and Light Show na napanood rin ng mga bata at kanilang mga magulang at guardians.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply