NDAPSSS nagsagawa ng seminar laban sa mga professional, illegal squatters at squatting syndicates sa Navotas City

NDAPSSS nagsagawa ng seminar laban sa mga professional, illegal squatters at squatting syndicates sa Navotas City

Nagsagawa ng orientation-seminar ang National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates (NDAPSSS) para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga punong barangay ng Navotas City.

Kabilang sa mga tinalakay na gampanin ng pamahalaang lungsod ang pagpuksa ng paglaganap ng mga professional illegal squatters at squatting syndicates, pagbuo ng isang Local Inter-Agency Committee, at ang mga responsibilidad ng Local Housing Board.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply