Disgrasya sa kalye ng Putatan, Muntinlupa nagdulot ng matinding trapiko

Disgrasya sa kalye ng Putatan, Muntinlupa nagdulot ng matinding trapiko

Sa hindi malamang dahilan ng disgrasya, sumabit sa dulo ng isang sidewinger delivery truck ang puting Mitsubishi G4 na kotse dakong alas-7:30 ng umaga ngayong Biyernes (25 Nov 2022) sa National Road, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Gayunpaman, dahil sa aksidente na sinabayan pa ng biglang buhos ng malakas na ulan, ay nagdulot kaagad ito ng bigat na trapiko sa bahaging ito ng lungsod ngunit mayroon namang rumespondeng enforcer at umantabay sa daloy ng trapiko.

Wala namang napahamak sa aksidente maliban sa wasak na harapan ng kotse na nadamay pa hanggang sa radiator. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply