DOH tutulungan ang bagong acting PhilHealth chief sa pagpapabilis ng reporma sa ahensya

DOH tutulungan ang bagong acting PhilHealth chief sa pagpapabilis ng reporma sa ahensya

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Gagabayan ng Department of Health (DOH) ang bagong itinalagang acting Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) head na si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. sa pagpapabilis ng mga reporma sa ahensya.

Sinabi ni Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na makikipagpulong siya kay Ledesma at iba pang opisyal ng PhilHealth sa Lunes.

“Ang direction natin sa PhilHealth and one of the guidance that we will give to Mr. Ledesma would be to continue on and to facilitate that we have these reforms that will now be expedited,” wika ni Vergeire.

Ang mga repormang ito, sabi ni Vergeire, ay kinabibilangan ng pagpapalawak ng ilang partikular na benepisyo tulad ng mga komprehensibong outpatient packages.

Sinabi rin niya na ang sistema ng pagbabayad sa PhilHealth ay kailangang tingnan bilang third-party assessment directive ng Pangulo.

Si Ledesma ay hinirang bilang bagong acting president at chief executive officer ng PhilHealth.

Ayon sa Office of the Press Secretary, nanumpa si Ledesma noong Huwebes, Nobyembre 24, sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Ledesma ay dating hepe ng government agency na may kinalaman sa power assets privatization.

(ai/mtvn)

Leave a Reply