Marcos, binati si Anwar sa pagiging bagong Prime Minister ng Malaysia

Marcos, binati si Anwar sa pagiging bagong Prime Minister ng Malaysia

Ni Liezelle Soriano

MANILA โ€” Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes ang bagong pinuno ng Malaysia na si Anwar Ibrahim.

Umaasa si Marcos na ang pamumuno ni Anwar ay magdadala ng katatagan hindi lamang sa Malaysia kundi sa buong rehiyon.

“I would like to congratulate my good friend Anwar Ibrahim on his election as Prime Minister of Malaysia. I look forward to the stability that his leadership will provide Malaysia and the region,” ani Marcos.

“My personal and official congratulations!”

Si Anwar, ang matagal nang pinuno ng oposisyon ng Malaysia, ay hinirang ng hari ng bansa kamakailan. (ai/mtvn)

Leave a Reply