Muntinlupa LGU, kapulisan lumagda ng CSOP MOA

Muntinlupa LGU, kapulisan lumagda ng CSOP MOA

Nagbigay ng mensahe ng pagsuporta si Mayor Ruffy Biazon at lumagda rin siya sa Memorandum of Agreement tungkol sa “Community Service Oriented Policing (CSOP)” sa pagitan ng local government unit ng Muntinlupa at kapulisan sa pamumuno ni Chief of Police PCol Angel L. Garcillano na lumagda rin sa naturang MOA signing ceremony na ginanap sa City Hall ng Muntinlupa kaninang umaga (Biyernes, 25 Nov 2022).

Ang kasunduan ay pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng local police at ng GLU na maipakita ang suporta ng iba’t-ibang opisina tungkol sa usaping seguridad at kapayapaan ng komunidad ng Muntinlupa City.

Ayon sa tagapagsalita ng Police Community Section Affairs, ito ay mandato ng National Police Commission na kailangang suportahan ang programa ng gobyerno. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply