Enchanted Kingdom muling binuksan

Enchanted Kingdom muling binuksan

Muling makakapamasyal ang mga bata pati na ang matatanda sa pamosong Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna dahil sa muli nitong pagbubukas sa publiko kamakailan bilang paghahanda na rin sa parating na Kapaskuhan.

Gaya ng inaasahan, dinagsa muli ito ng mga local tourists tulad ngayong araw ng Sabado (26 Nov 2022), na makikitang balik na ang sigla ng mga kabataan lalo na ang mga paslit sa mga rides, play ground at angking ganda ng carnabal. At kapag inabot ng gutom, may mga food stations din na mabibilihan ng pagkain at souvenir items bilang pasalubong.

Dahil sa pandemya, isinara ang EK sa publiko nag dalawang taon kaya’t nang magbukas ay sadyang dinarayo agad ito ng publiko ngunit may mga health protocols pa rin na dapat sundin ayon sa pamunuan habang nasa loob ng carnabal. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply