70+ gulang na PDLs pinag-aaralang palayain na ng BuCor upang lumuwag ang mga kulungan

70+ gulang na PDLs pinag-aaralang palayain na ng BuCor upang lumuwag ang mga kulungan

Ni Liezelle Soriano

Isang ehemplo ng super-siksikang kulungan sa bansang ‘Pinas (World Youth Alliance photo courtesy)

MANILA — Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Linggo na pinag-aaralan nito ang posibilidad na mabigyan ng executive clemency ang mga matatandang deprived of liberty (PDLs) na may edad 70 pataas (septuagenarians) bilang bahagi ng proseso ng decongestion ng mga kulungan nito.

Sinabi ni BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr. na pinayagan ang naturang hakbang noong termino ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Under the law daw, panahon ni President GMA, may batas siya o executive order na inisyu na lahat ng 70 years old up ay [bigyan] na ng parole o palayain na kahit papa’no kasi sabi nila, 70 years old, hindi na makakaisip ‘yan gumawa ng krimen,” aniya.

“‘Yan, pinag-aaralan din namin para ma-decongest din ang BuCor,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano na uunahin ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang decongestion ng mga kulungan sa ilalim ng BuCor, dahil ang New Bilibid Prison ay napatunayang may congestion rate na 300%.

Dagdag pa niya, hinahangad ni Remulla na ilipat ang maximum security ng NBP sa Sablayan Prison sa Occidental Mindoro at ang minimum security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

“Mayroon tayong rehab sa Fort Magsaysay na hindi naman nadalhan ng mga ano…May dalawang bay daw doon, siguro saan kasya na mga 1,000 to 1,500 bawat bay. Ang utos ni Secretary Remulla naman diyan, dalhin doon ang matatanda na… ‘Yung naghihintay na lang ng laya,” aniya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply