Amyendahan ang Administrative Code upang matanggal ang CIFs — Hontiveros

Amyendahan ang Administrative Code upang matanggal ang CIFs — Hontiveros

By Liza Soriano

MANILA — Binanggit ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros nitong Lunes ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code para putulin ang practice ng paglalaan ng confidential and intelligence funds (CIFs) sa mga civilian agencies.

Sang-ayon si Hontiveros sa obserbasyon na nakasanayan na ng mga ahensya ng gobyerno ang pagtanggap ng CIFs mula sa annual national budget.

Aniya, ito ay “legacy of martial law and dictatorship.”

“Kahit tingnan natin ang budget history, apparently, this practice of having confidential and intelligence funds kahit sa mga civilian agencies would date back to a particular Presidential Decree… So isa rin itong legasiya ng batas militar, ng diktatura at it is something now embedded, if I’m not mistaken in our Administrative Code,” ayon kay Hontiveros.

“So interesante at palagay kong importanteng pag-aralan natin, namin sa Senado or Kongreso, ang other budget reforms that we can introduce by way of legislation, ‘yung amendment sa Administrative Code man ‘yon or sa iba pa,” dagdag pa niya.

Para sa minority leader, hindi ito isang malusog na ugali na binuo ng gobyerno sa mga dekada.

Sinabi niya na mas malusog para sa mga CIF na muling ihanay sa mga programa na tutukuyin sa General Appropriations Bill.

(ai/mtvn)

Leave a Reply