P1.5-B broadband project allocation ang magpapabilis sa internet ng ‘Pinas — Speaker Romualdez

P1.5-B broadband project allocation ang magpapabilis sa internet ng ‘Pinas — Speaker Romualdez

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Ang P1.5 bilyong pondo para sa pambansang broadband plan sa ilalim ng iminungkahing P5.26 trilyon na badyet para sa 2023 ang magpapataas ng bilis ng koneksyon sa internet ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ito’y ayon mismo kay ni House Speaker Martin Romualdez ng Leyte nitong Lunes.

Ang tinutukoy ni Romualdez ay ang P1.5 bilyon ng P77 bilyong alokasyon na ini-realign ng House of Representatives kasabay ng iba pang pagtaas ng budget para sa edukasyon, kalusugan, transportasyon, at iba pang kritikal na serbisyong panlipunan.

“Internet is a critical social service nowadays, as it is deeply entrenched in our lives. We use the internet for education, for delivering and availing social services as well as for our businesses,” ani Romualdez.

“I expect the country’s internet speed to go up a notch next year once the Department of Information and Communications Technology (DICT) implements its national broadband plan that has been allocated P1.5 billion in the proposed 2023 national budget,” dagdag pa niya.

Sumang-ayon naman si House appropriations committee chairman Zaldy Co ng Ako Bicol Party-List dito dahil aniya, ang nabanggit na P1.5 bilyong pondo para sa national broadband project ay magbibigay din ng koneksyon sa malalayong lugar sa bansa.

“This allocation will go a long way in jumpstarting the program and once the DICT conducts the rollout of national broadband infrastructure, we can now use the bandwidth given by Facebook,” dagdag pa ni Co.

(ai/mtvn)

Leave a Reply